LTO, maninita pa rin ng mga pasaway na nagmamaneho ng e-bike sa kabila ng pagpapaliban ng panghuhuli kahapon

Nilinaw ni Land Transportation Office (LTO) Assistant Secretary Markus Lacanilao na walang mangyayaring hulihan ng mga e-bike na dumaraan sa mga national road.

Sa kabila ng pagpapaliban ng panghuhuli na dapat magsimula kahapon, Disyembre 1, giit ni Lacanilao na ipinagbabawal pa rin ng ahensya ang pagpapatakbo ng mga e-bike sa mga national highways.

Pero aniya, hindi nila ito huhulihin; bagkus, sasawayin lamang ng kanilang mga enforcer.

Samantala, nilinaw rin ng LTO Chief na puwedeng dumaan sa mga bike lanes ang mga e-bike, basta’t kasya ito sa itinakdang laki sa naturang linya para sa mga bisikleta, partikular na ang mga two-wheeled e-bike.

Nilinaw rin niya na puwedeng tumawid ang mga e-bike sa mga national highway, at ang tanging bawal lamang ay ang tuloy-tuloy na pagbabaybay ng mga malalaking kalsada.

Iyan ang tinig ni LTO Chief Assistant Secretary Markus Lacanilao.

Facebook Comments