LTO, nagpaalala sa mga bibiyahe ngayong Semana Santa na magbaon ng mahabang pasensya upang iwas road rage

Nagpaalala ang Land Transportation Office (LTO) sa mga motorista na papauwi sa probinsya sa panahon ng Semana Santa na magbaon ng mahabang pasensya upang hindi masangkot sa road rage.

Ayon kay LTO Assistant Secretary Atty. Vigor Mendoza II , asahan na ang matinding traffic kung kaya’t mahalaga na manatiling kalmado.

Aniya, hindi makatutulong ang galit o road rage kung kaya’t planuhing nang maayos ang biyahe upang maging hassle free.


Tiniyak naman ni Mendoza na ikakalat ang mga tauhan ng ahensya sa mga major thoroughfares para sa assistance at law enforcement.

Pinagsusumite na rin ni Mendoza ang mga regional director ng road safety plans upang asistihan ang libo-libong motorista na bibiyahe sa Holy Week.

Titiyakin din ng LTO ang mental at physical readiness ng mga driver at konduktor sa pamamagitan ng mga isinasagawa nilang random at surprise drug testing.

Magsisimula nang maramdaman ang presensya ng LTO simula sa Sabado, April 12 dahil
inaasahang marami na ang nag file ng vacation leave at bibiyahe na pabalik ng kanilang mga probinsya.

Facebook Comments