PCG, patuloy na naka-alerto sa gitna ng pag-aalburoto ng Bulkang Kanlaon

Inalerto na rin ng Philippine Coast Guard (PCG) ang iba pang mga tauhan nila sa Visayas at Mindanao kaugnay sa patuloy na pag-aalburoto ng Bulkang Kanlaon.

Ayon kay PCG Spokesperson Rear Admiral Armand Balilo, nakahanda na ang response groups ng Coast Guard District Western Visayas sakaling lumala ang sitwasyon.

Handa na rin aniya ang mga sasakyang pandagat at aerial assets sa National Headquarters sa Maynila oras na i-deploy sila rito.


Habang tutulong naman sa mga operasyon ang iba pang quick response team ng Coast Guard Districts mula sa Visayas at Mindanao.

Ngayong hapon, muling nag-alburoto ang bulkan kaya’t pinalikas na ang mga residente sa Canlaon City.

Facebook Comments