LTO, nanawagan sa publiko na huwag suhulan ang kanilang mga law enforcer

Umapela ang Land Transportation Office (LTO) sa mga motorista na iwasang alukin ng pera o anumang uri ng panunuhol ang kanilang mga law enforcer para lamang malusutan ang pananagutan o mabigyan ng violation ticket.

Ginawa ng LTO ang apela kasunod ng pagkakahuli kamakailan ng LTO Region 5 Law Enforcement sa Sorsogon City sa isang drayber na nasita sa inspeksyon bilang bahagi ng “Oplan Ligtas Biyaheng Pasko 2022”.

Sinita ang driver dahil sa pagbibiyahe ng minamanehong Toyota Ace.


Habang inihahanda ng law enforcer ang Temporary Operator’s Permit (TOP), ikinagulat nito na lumapit ang drayber at sinubukang magsuksok ng tatlong piraso ng ₱1,000 sa ilalim ng mga dokumentong hawak niya.

Gayunpaman, biglang hinablot ng drayber ang pera at lumayo matapos matunugang may nakatutok at naka-record na camera sa kanya.

Facebook Comments