Isang Pinoy, kasama sa 5 illegal workers na naaresto sa Hong Kong

Isang Pilipino ang kasama sa limang dayuhang illegal workers na hinatulan ng korte sa Hong Kong.

Kabilang din sa unang naaresto ang apat na Indonesians.

Sila ay pawang nagtatrabaho sa isang restaurant doon bilang dishwashers.


Bumaba naman sa 15 buwang pagkakakulong ang hatol sa kanila matapos na maghain ng guilty plea ang mga ito.

Facebook Comments