LTO: Pagpapatigil ng korte sa pagpapa-imprenta ng plastic driver’s license card, walang basehan

Wala umanong basehan ang pagpapatigil ng Quezon City Regional Trial Court (RTC) ng pag-iimprenta at distribusyon ng plastic card driver’s license card.

Sa isang press conference, sinabi ni Land Transportation Office (LTO) Chief Assistant Secretary Atty. Vigor Mendoza II na hindi pa pinal ang injunction.

Sa katunayan aniya, may oral argument na itinakda sa August 22, 2023 kung saan ay ilalatag ng LTO ang basehan kung bakit hindi dapat ipahinto ang pagpapa-iimprenta ng mga plastic driver’s license card sa kinontratang Banner Plasticard, Inc.


Giit ni Vigor na naging patas at transparent ang nangyaring bidding process.

Dagdag ng LTO chief, mahaba ang 20-day na injunction na magreresulta sa lalong pagka antala ng pagkuha ng mga driver ng kanilang plastic cards.

Kaugnay nito ay naglatag naman ng iba’t ibang hakbang ang LTO para sa mga motorista na maaapektuhan ng pagkaantala ng pag-iimprenta ng driver’s license cards.

Ang isang option ay itutuloy ang pag-iisue ng papel na plastic cards, at ikalawa naman ay ang pag-e-engrave sa kasukuyang driver’s license ng extension ng validity nito.

Sa August 25 naman ay inaasahan na makakapag-deliver ang Banner Plastic Cards Inc. ng isang milyon na driver’s license plastic cards, at 5.2 milyon na plastic cards sa February 21, 2024.

Facebook Comments