DOTr, tiniyak na tatalima sa dismissal ng Ombudsman kay MIAA acting GM Cesar Chiong

Tiniyak ng Department of Transportation (DOTr) na tatalima sila sa desisyon ng Ombudsman hinggil sa dismissal sa serbisyo kina Manila International Airport Authority (MIAA) General Manager Cesar Chiong at Assistant General Manager for Finance and Administration Irene Montalbo.

Kaugnay ito ng reklamong grave misconduct, abuse of authority or oppression, at conduct prejudicial to the best interest of the service kung saan napatunayang guilty ang dalawa.

Ang kaso nina Chiong at Montalbo ay nag-ugat sa reassignment sa 285 MIAA employees.


Nanindigan naman ang DOTr na “in good faith” at layon ng reassignment sa mga empleyado ng MIAA na mapabuti ang pagbibigay ng serbisyo sa publiko.

Facebook Comments