
Pinagpapaliwanag ng Land Transportation Office o LTO ang may-ari at driver ng van na sangkot na malagim na disgrasya sa Tagaytay City na ikinamatay ng tatlong tao, kasama ang isang buntis.
Ayon kay LTO Chief, Asec. Vigor Mendoza, mayroon nang inisyu na show cause order na parte ng imbestigasyon.
Nakikipag-ugnayan na rin ang LTO sa lokal na pulisya upang makakalap ng mga ebidensya, kasama ang opisyal na report kung saan nakasaad na ang driver ng van ay lasing.
Giit ni Mendoza, tatlo ang nasawi at isa ay buntis pa, kaya malaki ang pananagutan ng may-ari ng sasakyan at ng nagmamaneho.
Binigyan ng limang araw ang may-ari at driver ng sasakyan para magsumite ng paliwanag at kung mabigong tumalima, maglalabas ito ng desisyon batay sa mga hawak na ebidensya.









