DOJ Secretary Remulla, ayaw nang patulan si Atty. Harry Roque

Tumanggi na si Department of Justice (DOJ) Secretary Jesus Crispin Remulla na pag-usapan ang tungkol kay dating Presidential Spokesperson Atty. Harry Roque.

Ayon kay Remulla, hindi na dapat pang pag-usapan si Roque na nahaharap sa patong-patong na kaso.

Kahapon nang sabihin ng kalihim na naniniwala siyang hindi pinagbigyan ng The Netherlands ang hiling ni Roque na asylum doon.

Pero kalaunan ay sinagot ni Roque si Remulla at tinawag na “fake news”.

Sabi ni Roque, strike 2 na umano si Remulla dahil sa naunang pahayag nito na may dalawang passport ang dating opisyal bagay na itinanggi ng Department of Foreign Affairs (DFA).

Facebook Comments