LTO, pinalawig ang validity ng license at vehicle registration

Pinalawig ng Land Transportation Office (LTO) ang validity ng mga lisensyang mapapaso na sa harap ng pagpapatupad ng mahigpit na lockdown sa NCR Plus.

Sa abiso ng LTO, ang mga may hawak na student permit, driver’s license o conductor’s license na napaso na nitong quarantine restrictions ay bibigyan hanggang July 31 para makapag-renew.

Ang validity ng registration ng mga motor vehicles na may plate number na nagtatapos sa 3 at 4 ay pinalawig hanggang June 30 at July 31.


Nagtakda rin nag LTO ng weekly schedule para sa renewal para maiwasan ang pagdagsa ng mga aplikante sa kanilang mga opisina.

Ang schedule ay ilalabas sa kanilang official Facebook page.

Walang penalty o surcharge ang kokolektahin para sa renewal transactions sa loob ng itinakdang schedule.

Ang operasyon ng LTO offices sa NCR plus ay suspendido hanggang April 30 dahil sa pagpapatupad ng modified enhanced community quarantine (LTO).

Facebook Comments