
Pinatawan ng Land Transportation Office (LTO) ng 90-araw na suspensyon ang driver ng SUV na nang-araro ng 14 na motorsiklo at isang sasakyan sa Taguig City.
Matapos na magpalabas ng Show Cause Order (SCO) ang LTO laban sa rehistradong may-ari at driver ng naturang sasakyan.
Inatasan ang mga ito na humarap sa pagdinig ng Intelligence and Investigation Division upang magsumite ng pahayag o komento kaugnay sa reckless driving.
Bukod rito, isinailalim naman sa alarm status ang kotse habang gumugulong ang imbestigasyon.
Batay sa imbestigasyon ng Southern Police District (SPD), habang bumibyahe ay nakaranas umano ng malfunction sa preno ang SUV.
Tinangka pa ng driver na iwasan ang ilang mga sasakyan pero hindi pa rin gumana ang preno dahilan para sunod-sunod na itong makabangga hanggang sa sumalpok ito sa poste.
Ayon kay LTO Chief Markus Lacanilao na kanilang hindi palalampasin ang anumang insidente na maglalagay sa panganib sa publiko at pananagutin ang sinumang lalabag sa batas-trapiko.










