LTO SAN CARLOS KINILALA ANG KAHALAGAHAN NG MGA KABABAIHAN

San Carlos City – Sa selebrasyon ng buwan ng mga kababaihan ngayong Marso nagsagawa ng maikling programa ang mga kawani ng Land Transportation Office San Carlos City sa pangunguna ng kanilang hepe na si Mrs. Aileen Peteros. Dinaluhan ito di lamang ng mga taga LTO kundi ng iba’t ibang partners nila sa pagbibigay public service.
Sa nasabing pagtitipon kinilala ang mga tagumpay at mahalagang kontribusyon ng mga kababaihan sa lipunan sa pamamagitan ng pamamahagi ng mga bulaklak ang ahensiya sa kanilang mga kawani at maging mga kababaihang kliyente na naroroon.
Samantala, nagbigay ng mensahe ng pagpupugay si Idol Mark Espinosa na station manager ng iFM Dagupan kung saan binigyang diin nito ang pagpapahalaga ng RMN sa mga kababaihan. Binanggit nito na ang selebrasyon ay patunay na ang mga kababaihan ay malakas at empowered na ngayon kumpara noon. Umapela din ito sa lahat ng mga miyembro ng komunidad na makiisa sa mas pagpapatibay ng nasabing adbokasiya ng empowerment at equality.
Ang Women’s Month Celebration ngayon ay may temang WE for gender equality and inclusive society na gagamitin hanggang taong 2028.
Facebook Comments