ISANG PANGASINENSE, WAGI SA BODYBUILDING COMPETITION, KILALANIN

Nasungkit ng isang Pangasinense ang overall champion sa Mr. Panagbenga Bodybuilding 2023 Competition na ginanap sa Baguio City nito lamang nakaraang March 4,2023. Siya ay si Mr. Marlon Estrada, 56 years old na tubong Barangay Calaocan, Manaoag, Pangasinan.
Ayon kay idol Marlon, siya ay naging champion sa lightweight division at siya rin ay overall champion. Siya ay nagsimulang mag bodybuild noong nakapanood siya ng isang competition noong siya ay 38 years old at siya ay payat pa lamang noon. Sabi niya, noong nakapanood siya at nanalo raw ang isang payat na kawani, na inspire at na motivate siyang gawin rin ang nasabing sport.
Pinaghirapan niya ang bawat training at pagod para lamang magawa ang sport na ito. Bukod sa nasungkit na award, siya rin ay nagwagi sa Kannawidan, Vigan City noong nakaraang February 5 ngayong taon.

Nais niyang sabihin sa mga kabataan ngayon na nagpaplanong mag bodybuild, dapat may disiplina sa sarili at training. Umiwas sa bisyo at pahalagahan ang sarili ninyong katawan. |ifmnews
Facebook Comments