Friday, February 13, 2026

LTO, tiniyak na mabibigyan ng hustisya ang pamilya ng nasawing negosyante sa hit-and-run sa Cebu

Nangako si Markus Lacanilao, Chief ng Land Transportation Office, na mabibigyan ng hustisya ang pamilya ng 23-anyos na negosyanteng nasawi sa isang hit-and-run incident sa Cebu.

Pinatitiyak ni Lacanilao sa LTO 7 Operations Division na mahigpit na imbestigahan ang insidente at ang paglabag sa batas trapiko na nagdulot ng kamatayan sa biktima.

Aniya, sinumang gumagamit ng kalsada na naghahasik ng karahasan ay kailangang harapin ang kahihinatnan ng kanilang aksyon.

Base sa CCTV footage, makikita ang driver bago mangyari ang hit-and-run na pasuray-suray na naglalakad, habang inaalalayan ng kaniyang mga kasama patungo sa kanyang sasakyan.

Sa inisyal na pagsisiyasat, nakabangga ang driver ng isang naka-park na Sedan. Ngunit hindi siya huminto; sa kanyang pagtakas, nabundol niya ang biktima na tumilapon at sumalpok sa isang poste sa Barangay Banilad, Maria Luisa Village, Cebu City.

Ang biktima ay idineklarang dead-on-arrival sa ospital.

Nasukol lamang ang driver nang mawalan siya ng kontrol at bumaligtad ang kanyang SUV.

Facebook Comments