𝗟𝗔𝗟𝗔𝗞𝗜, 𝗔𝗥𝗘𝗦𝗧𝗔𝗗𝗢 𝗠𝗔𝗧𝗔𝗣𝗢𝗦 𝗠𝗔𝗡𝗚𝗠𝗢𝗟𝗘𝗦𝗧𝗜𝗬𝗔 𝗡𝗚 𝗠𝗘𝗡𝗢𝗥 𝗗𝗘 𝗘𝗗𝗔𝗗

CAUAYAN CITY- Sa kulungan ang bagsak ng isang lalaki matapos umanong halikan at yakapin ang isang menor de edad na babae kahapon ika-26 ng Pebrero taong kasalukuyan sa Lungsod ng Santiago.

Bago pa man mangyari ang pangmo-molestiya, nakatanggap ang biktima ng mga mensahe mula sa suspek at inaanyayahan itong magtungo sa kanilang tahanan noong ika-25 ng Pebrero taong kasalukuyan.

Nagtungo ang biktima sa tahanan ng suspek at dito sana isasakatuparan ng suspek ang planong paghalay sa biktima ngunit hindi ito natuloy dahil sa agarang tugon ng pamilya ng biktima.


Ayon pa sa biktima, buwan ng Agosto noong nakaraang taon ay sekswal na inabuso siya ng suspek.

Sinamantala ng suspek ang pagiging menor de edad at kapansanan sa pag-iisip ng biktima.

Mahaharap ang suspek sa kasong Acts of Lasciviousness.

Facebook Comments