Kasabay ng muling pagbabalik sa General Community Quarantine (GCQ) ng Metro Manila, nagpaalala ang 1 o LTOP at ang mga transport group sa ilalim ng National Federation of Public Transport Cooperatives sa kanilang mga miyembro na seryosohin o mas maging mahigpit sa pagpapatupad ng mga health protocols.
Ayon kay Freddie Hernandez, interim President ng National Federation of Public Transport Cooperatives, dapat tiyakin ang palagiang pag-disinfect ng mga pampasaherong jeepney at bus at paglalagay ng distancing ng mga pasahero.
Nag-abiso naman si LTOP President Ka Lando Marquez sa mga pasahero na makipagtulungan dahil hindi na rin sila magsasakay ng nga pasahero kapag walang suot na face shield bukod sa facemask.
Layon ng hakbang na ito na madagdagan ang proteksyon at mabawasan ang hawahan sa COVID-19.