Umapela sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang Liga ng Transportasyon at Operators (LTOP) na rebyuhin ang mga ruta na binuksan para sa mga Public Utility Jeepney (PUJ) sa Metro Manila.
Batay kasi sa obserbasyon ni LTOP President Ka Lando Marquez, ilan sa mga binuksang mga ruta ay walang bumibiyaheng PUJ.
Karamihan aniya sa mga jeepney operators na umiikot sa ilang ruta ay maituturing nang hindi na roadworthy.
Ani Marquez, dapat muling ireview ng LTFRB ang interconnectivity route system nito.
Mas makabubuti rin aniyang lumabas ng kaniyang opisina ang hepe ng transport planning division ng LTFRB upang mismong maobserbahan ang sitwasyon.
Naiipon kasi aniya ang mga pasahero sa ilang ruta ngunit wala namang masakyan.
Facebook Comments