Binawi na ng Philippine National Police-Civil Security Group (PNP-CSG) ang License to Own and Posses Firearm (LTOPF) maging ang firearm registration at permit to carry ni Wilfredo Gonzales.
Si Gonzales ay matatandaang nag-viral sa social media matapos manakit at magkasa ng baril laban sa isang siklista sa Quezon City.
Paalala ni PNP-CSG Director Police BGen. Benjamin Silo Jr., na maging responsable sa paggamit ng baril.
Aniya, dapat maging kalmado ang sinumang may baril dahil ang pagmamay-ari ng baril ay hindi karapatan bagkus isang pribilehiyo na pupwedeng tanggalin o bawiin ng estado.
Facebook Comments