2 batch ng Pinoy repatriates mula Kuwait, dumating na sa Pilipinas

Nakauwi na ng ligtas ang may 100 mga distressed OFWs na kabilang sa pangalawang batch na dumating kagabi sa NAIA mula Kuwait

Ang nasabing mga Pinoy ay kabilang sa mga nag-avail ng repatriation program ng pamahalaan sakay sila ng flight SV870 na lumapag sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 1.

Sinalubong sila ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) Repatriation Team upang tulungan sa pagproseso ng kanilang mga dokumento at alamin ang iba pa nilang pangangailangan.


Matatandaan na nasa 50 Pilipino ang Kasama sa unang batch na mass repatriation mula Kuwait din ang dumating kahapon araw ng linggo sa NAIA Terminal 1.

Samantala, binigyan rin sila ng tulong ng OWWA gaya ng mga naunang Pinoy na dumating sa bansa mula Kuwait hanggang sa sila ay makauwi sa kanilang mga probinsya.

Facebook Comments