LUBAK-LUBAK NA BAHAGI NG QUIBAOL, LINGAYEN, PERWISYO SA MGA RESIDENTE

Perwisyo kung ituring ni Steven, residente malapit sa lubak-lubak nadaanan sa Quibaol, Lingayen ang sitwasyon dahil sa alikabok at ang mabibilis na sasakyan na dumadaan sa kanila.
Aniya, malalaki at mabibilis ang mga sasakyan na dumadaan doon.
Isa lamang siya sa araw araw na nakakasaksi ng hirap ng ilang motorista sa pagdaan sa naturang daanan.
Ang daanan kasi, nagkabutas butas noong sunod-sunod ang masungit na panahon.
Inaspalto na raw ang daanan ngunit dahil sa paglambot nito dulot ng pag-uulan, nagkabutas butas ito.
Pero, kamakailan, tinambakan na muli ang daanan.
Ayon naman kay Kagawad William Sareno, temporaryo lamang umano ang aspalto dahil may nakalinya umanong proyekto rito.
Aniya pa, hinahanda na raw itong iaspalto muli. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣
Facebook Comments