LUBOG SA BAHA | Dahil sa patuloy na pag-ulan, Metro Manila – binaha!

485

Binaha ang ilang mga lugar sa Metro Manila dahil sa tuluy-tuloy na pag-ulan.

Maaga pa lamang kanina ay nagbaha ang bahagi ng Roxas Boulevard mula sa kanto ng Pedro Gil hanggang sa bahagi ng Vito Cruz.

Bukod sa tubig-baha sanhi ng paghampas ng tubig mula sa Manila Bay ay umapaw rin ang santabak na mga basura sa nasabing mga lugar.

Umabot naman sa hanggang tuhod ang baha sa Quirino Avenue malapit sa Plaza Dilao.

Sa Malabon City ay binaha rin ang Gov. Pascual Avenue maging sa boundary ng Maynila at Caloocan City sa tapat ng R. Papa station ng LRT-1.

Sa Makati City ay binaha ang ilang bahagi ng Pasong Tamo at Buendia, maging sa kanto ng tramo at EDSA sa Pasay City.

Hanggang tuhod ang baha din sa ilalim ng Kamuning-Timog flyover sa Quezon City.
Gutter-deep naman ang inabot ng baha sa kanto ng Tomas Morato at Scout Borromeo.

Facebook Comments