Lubos na partisipasyon ng mamamayan, mahalaga para magtagumpay ang 3-day National Vaccination Drive

39

Umapela si Committee on Health Chairman Senator Christopher “Bong” Go sa lahat na huwag palampasin ang 3-day National Vaccination Day mula ngayong araw hanggang December 1 o sa Miyerkules na may temang Bayanihan, Bakunahan.

Hiling ni Go, suportahan ng lubos ang Bayanihan, Bakunahan na humihikayat sa lahat na magpabakuna upang tuluyan ng manumbalik ang sigla ng ating bayan.

Ayon kay Go, handa ang ating gobyerno at may sapat na supply na tayo ng bakuna na magbibigay sa atin ng proteksyon laban sa COVID-19.


Dagdag pa niya, kailangan maipakita natin ang kooperasyon, disiplina, at malasakit sa kapwa sa pamamagitan ng pagtulong at pagpapabakuna.

Diin ni Go, mahalaga na magkaisa at magtulungan tayo upang talunin ang COVID-19 para sa isang mas ligtas na Pasko at Bagong Taon.

Facebook Comments