Pinakamataas na temperatura ngayong 2021, naitala sa Dagupan City

131

Naitala sa Dagupan City, Pangasinan ang pinakamainit na temperatura sa bansa ngayong 2021.

Ayon sa PAGASA, umabot sa 51°C ang temperatura sa Dagupan kahapon, dakong alas 2:00 ng hapon.


Samantala, inaasahang makararanas ng maximum temperature na 34°C sa Metro Manila ngayong araw.

Sa iba pang parte ng Luzon, makararanas ng maximum temperature na 37°C ang Tuguegarao, 33°C sa Kalayaan Islands at Puerto Princesa City, Palawan.

Sa Visayas, makararanas din ng init na 33°C ang Iloilo at Cebu.

Kaugnay nito, nagpaalala ang PAGASA sa publiko na manatili sa loob ng bahay at uminom ng maraming tubig para makaiwas sa heat cramps at heat exhaustion bunsod ng matinding init ng panahon.



Facebook Comments