Lucio “Bong” Tan Jr., pumanaw na sa edad na 53

Image from Philippine Airlines

Namatay na ang pangulo ng Philippine Airlines (PAL) Holdings Inc. at head coach ng University of the East (UE) Red Warriors na si Lucio “Bong” Tan Jr.

Ayon sa naulilang kaanak, binawian ng buhay ang negosyante at kilalang basketball lover sanhi ng massive stroke, bandang alas-9 ng umaga nitong Lunes.

“It is with deep sorrow that I announce thepassing of my brother, Lucio “Bong” Tan Jr. this morning, November 11, 2019. He was 53. His untimely passing leaves a big void in our hearts and our Group’s management team which would be very hard to fill,” pahayag ng kapatid niyang si Vivienne Tan.


Matatandaang isinugod sa ospital si Tan matapos bumagsak sa gitna ng isang basketball match sa Mandaluyong City, Sabado ng hapon.

Bigla siyang nag-collapse habang naglalaro sa 2nd quarter ng Pinoy Liga Cup Finals sa Gatorade Hoops Center.

Lingid sa kaalaman ng publiko, anak ng bilyonaryong tycoon na si Lucio Tan Sr. ang namayapang negosyante at head coach.

Labis naman ang pasasalamat ng pamilya sa lahat ng nakiramay at humingi muna ng ‘privacy’ habang nagluluksa sa pagkamatay ni Bong Tan.

Inaanunsyo din nila ang detalye ng burol sa mga susunod na araw.

Facebook Comments