Lugar kung saan ginawa ang initiation rites sa namatay na UST law student, muling bubusisiin ng MPD

Manila, Philippines – Maaaring balikan ng Manila Police District ang library ng Aegis Juris fraternity sa Navarra Street kanto ng Laon Laan Street, Sampaloc, Maynila.

Ayon kay MPD Spokesperson Supt. Erwin Margarejo, nais nilang tingnan kung may makukuha pang ebidensiya sa frat library.

Naniniwala rin si Margarejo na napreserba ang crime scene dahil walang weather condition na maaaring makasira sa mga ebidensiya sa kaso ng pagpatay kay Horacio Castillo III.


Paliwanag ni Margarejo nananatili nakapareserba ang crime scene dahil sampung araw ang bisa ng Search Warrant na pinalabas ni Judge Reynaldo Alhambra ng Manila Regional Trial Court Branch 53.

Facebook Comments