Dalawang teenager, sinampahan ng 23 counts ng kasong murder dahil sa pagkamatay ng 21 bata sa isang sunog sa Kuala Lumpur, Malaysia

World – Dalawang disi-sais anyos na mga binatilyo ang sinampahan ng patong patong na kaso ng murder matapos umano nilang simulan ang sunog sa isang Islamic school sa Kuala Lumpur noong Setyembre 14.

Dalawampu’t isang mga bata at dalawang matanda ang namatay sa sunog.

Sa ilalim ng batas ng Malaysia, kamatayan ang posibleng kaparusahan sa anumang murder charge.


Dahil mga menor de edad ang mga salarin, posibleng pagkakakulong habambuhay ang maging parusa ng mga ito.

Facebook Comments