Lugar na naka-granular lockdown sa NCR, 35 na lang

24

May 35 lugar na lang sa National Capital Region (NCR) ang nasa ilalim ng granular lockdown para mapigilan ang pagkalat ng COVID-19.

Batay sa datos ng PNP Command Center, nagmula ito sa 33 barangay sa 4 na lungsod at munisipalidad sa NCR.

Kabilang dito ang 30 kabahayan, 3 residential buildings, 1 purok at 1 subdivision.


Nanguna ang Manila Police District (MPD) sa may pinakamaraming lugar na naka-lockdown na umabot sa 22.

Sinisiguro naman ng 122 police personnel at 101 force multipliers na naipapatupad ang health protocols sa mga apektadong lugar.

Facebook Comments