Mahigit 3,000 COVID recoveries, naitala ngayong araw sa bansa

Nakapagtala ngayong araw ang Department of Health (DOH) ng 3,510 na bagong gumaling sa COVID-19 sa bansa.

2,087 naman ang bagong kaso at 91 ang bagong binawian ng buhay.

Sa ngayon umaabot na sa 2,805,294 ang kabuuang kaso ng COVID-19 sa bansa.


Ang aktibong kaso ay nasa 32,077 at ang total recoveries na ay 2,728,696.

Habang ang kabuuang binawian ng buhay ay 44,521.

Facebook Comments