Lugar na pinagmulan ng mga tumataya sa POGO, hindi kayang tukuyin ng PAGCOR

Hindi kayang tukuyin ng Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) kung saan lugar o bansa nagmumula ang mga tumataya sa online games ng Philippine Offshore Gaming Operators (POGO).

Ayon sa PAGCOR, ang tanging paraan upang malaman ang lokasyon ng mga mananaya ay mag-hire ng independent auditor na tutukoy sa mga currency ng ginagamit ng mananaya.

Pero matutukoy lamang nito ang mga currency na mula sa 24 bansa, partikular sa:


• Australia
• Brazil
• Canada
• China
• United Kingdom
• Hong Kong
• Hungary
• Indonesia
• India
• Japan
• Korea
• Myanmar
• Norway
• Poland
• Russia
• Sweden
• Singapore
• Thailand
• Turkey
• Taiwan
• United States
• Vietnam
• South Africa

Sa kabuuan, 47% ng currency na ginagamit ng mga mananaya ay Chinese Yuan, na pinakamataas na currency sa POGO na sinundan naman ng US dollars.

Pero paglilinaw ng PAGCOR, hindi nangangahulugang 100% matutukoy ng currency ang bansang pinagmulan ng mananaya dahil may karapatang pumili ang mga ito ng currency na gagamitin nila kahit nasaang lugar.

Facebook Comments