PAGCOR, nilinaw na hindi pa bumabalik ang operasyon ng E-sabong sa bansa

107

Nilinaw ng Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) na hindi pa bumabalik ang operasyon ng E-sabong sa bansa.

Ito ang tugon ng PAGCOR sa tanong ni Senator Ronald “Bato dela Rosa” sa pagdinig ng Senate Ways and Means committee on Philippine Offshore Gaming Operations (POGO).

Ayon kay Dela Rosa, dapat tutukan ng PAGCOR ang mga napapaulat na ilegal na operasyon ng E-sabong upang hindi masira ang gobyerno sa publiko.


Hindi naman na nagbigay ng karagdagang detalye ang senador hinggil sa pagdinig, pero tiniyak ng PAGCOR na regular naman nila itong binabantayan.

Naungkat ang usaping ito habang tinatalakay ng komite ang mga masasamang epekto ng POGO sa bansa at kung dapat ba itong ihinto dahil sa kaugnayan nito sa sunod-sunod na kaso ng kidnapping.

Facebook Comments