Lugar ng Maute sa Marawi, patuloy nang lumiliit

Marawi City – Kinumpirma ni National Security Adviser Secretary Hermogenes Esperon na lumiliit na ang lugar na iniikutan ng mga teroristang Maute sa Marawi City.

Sa Mindanao Hour sa Malacañang kanina ay sinabi ni Esperon na 3 barangay nalang ang okupado ng mga terorista mula sa 96 na barangay sa nasabing lungsod.

Pero sa kabila naman aniya nito ay sinabi ni Esperon na magiging mabagal na ang pag-abante ng tropa ng militar dahil kailangan din namang mag-ingat laban sa mga patibong na ginagawa ng mga terorista.


Sa kabila nito ay naniniwala pa rin naman si Esperon na araw ay tuluyan ng mababawi ng militar ang buong Marawi mula sa kamay ng mga Maute.

Nilinaw din naman ni Esperon na nakahanda na ang plano ng pamahalaan para sa rehabilitasyon ng Marawi City upang maibalik sa normal ang ang buhay ng mga residente nito.

Facebook Comments