Lugar sa NCR na isinailalim sa granular lockdown, 82 na lang

34

Nabawasan pa ang bilang ng mga lugar na nasa ilalim ng granular lockdown sa National Capital Region (NCR).

Batay sa datos ng Philippine National Police (PNP), mula sa bilang na 100 noong Biyernes, 82 na lamang ang mga naka-lockdown na lugar sa NCR nitong weekend.

Sa bilang ng mga naka-lockdown, 38 ang bahay, anim ang residential building floor, 18 ang residential building, pito ang kalye at 13 ang subdibisyon.


Ang mga ito ay mula sa 56 barangay sa walong lungsod at munisipyo sa NCR.

Naka-deploy pa rin ang 242 pulis at 234 force multipliers para masiguro na nasusunod ng mga residente ng minimum public health safety standards sa harap pa rin ng COVID-19 pandemic.

Facebook Comments