Lugar sa NCR na isinailalim sa granular lockdown nababawasan pa

Nabawasan pa ang bilang ng mga lugar na nasa ilalim ng granular lockdown sa National Capital Region (NCR).

Batay sa datos ng Philippine National Police (PNP), mula 117 kahapon ay 100 na lamang ang mga naka-lockdown na lugar sa NCR ngayong araw.

Sa bilang ng mga naka-lockdown, 48 ang bahay, 4 ang residential building floor, 25 ang residential building, 7 ang kalye at 16 ang subdibisyon.


Ang mga ito ay mula sa 65 barangay sa 7 lungsod at munisipyo sa NCR.

Naka-deploy pa rin ang 290 pulis at 275 force multipliers para masiguro na nasusunod ng mga residente ng minimum public health safety standards sa harap pa rin ng COVID 19 pandemic.

Facebook Comments