LUGI DAHIL SA TRAFFIC | Halos 4 bilyong piso, nawawala sa ekonomiya ng bansa kada-araw

Manila, Philippines – Aabot sa 4.1-Billion Pesos ang nawawala sa ekonomiya ng bansa kada araw dahil sa problema sa traffic sa Metro Manila.

Base ito sa pinakabagong pag-aaral ng Japan International Cooperation Agency (JICA) ngayong taon.

Lumabas sa pag-aaral na dumoble ang lugi ng bansa ngayong taon dahil sa traffic congestion kumpara noong 2014 na umaabot sa 2.4-Billion Pesos.


Ayon kay Department of Transportation (DOTr) Asec. Mark De Leon – dahil sa “napaka-inconvenient” na public transportation sa bansa, napipilitang magdala ng sariling sasakyan ang mga tao na nagreresulta ng pagdami ng mga sasakyan sa kalsada.

Ito aniya ang dahilan kaya isinusulong ng DOTr ang Jeepney Modernization Program para bigyan ng mas ligtas at komportableng transportasyon ang publiko.

Facebook Comments