STRONGMAN | Kabayo, sumakay sa tao sa Ukraine

Ukraine – Sinasakyan ng tao ang kabayo.

Pero alam niyo ba, pinatunayan ng isang lalaki sa Ukraine na pwede ring sakyan ng kabayo ang tao!

Gumawa ng sarili niyang papel ang champion powerlifter na si Dmytro Khaladzhi matapos niyang buhatin ang isang buhay at fully-conscious na kabayo.


Katunayan, nag-viral online ang mga videos ng horse carrying routines ni Dmytro.

Si Dmytro na kilala ngayon sa tawag na “strongman” ay una nang nakasungkit ng 63 na Guinness World Records at ang kauna-unahang kampeon sa Ukrainian drug-free powerlifting federation.

Facebook Comments