Manila, Philippines – Binuhay na naman ng mga senador ang panawagan para sa agarang pagpasa ng panukalang batas na magbibigay ng emergency powers para kay Pangulong Rodrigo Duterte.
Kasunod ito ng ulat ng Japan International Cooperation Agency o JICA na nalulugi ang Pilipinas ng 3.5 bilyong piso araw-araw dahil sa matinding traffic sa Metro Manila.
Sabi ni Senator Grace Poe, chairman ng Senate Committee on Public Services dapat noong isang taon pa naipasa ang Senate Bill 1284 na ngayon ay nakabinbin pa rin sa plenaryo.
Giit ni Poe, mahalagang magkaroon ng reliable at kombinyenteng mass transit system, alternatibong kalsada at tulay, makabagong traffic management solutions at lumikha pa ng economic centers sa labas ng maynila upang mapaluwag ang trapik sa bansa.