Posibleng pumalo sa P225.37 billion ang lugi sa Gross Domestic Product (GDP) ng bansa.
Ito ang inihayag ni Albay Representative Joey Salceda kasabay ng muling pagpapatupad ng dalawang linggong Enhanced Community Quarantine (ECQ) sa National Capital Region (NCR).
Giit pa ng kongresista, P179.97 billion din ang maaaring mawala sa GDP sakaling isailalim na rin ang CALABARZON sa mas mahigpit na quarantine restriction.
Ibig sabihin, posibleng umabot sa P405.34 billion ang kabuuang halaga ng mawawala sa bansa.
Matatandaang una nang sinabi ng National Economic and Development Authority (NEDA) na maaaring magresulta sa pagkawala ng daang-bilyong pisong kita ng bansa at pagkawala ng trabaho ng maraming Pilipino ang muling pagpapatupad ng lockdown.
Facebook Comments