Luis Manzano nilinaw ang “bitter comment” ukol sa engagement ni Angel Locsin

954
Images from their official Instagram account

Ipinagtanggol ni Luis Manzano ang kanyang sarili laban sa mga bashers kaugnay ng naging pahayag sa engagement ng dating nobyang si Angel Locsin kay Neil Arce.

Kumalat sa internet ang bidyo ng reaksyon nito sa entertainment reporter na si Melba Llanera at hindi nagustuhan ng netizens ang umano’y salitang binitiwan ng TV host/actor.


“Wag n’yo na akong idamay sa kwento niya. Hindi kailangan ang opinyon ko diyan or pangalan ko diyan. Wala akong kinalaman sa kwento,” sagot ni Manzano sa mamamahayag nang tanungin tungkol sa wedding proposal kay Locsin.

Komento ng ilang social media users, bitter pa din si Manzano hanggang ngayon at uso naman ang linyang “move on.”

Depensa ng Kapamilya celebrity, na-misinterpret siya ng publiko.

“Ang sabi ko, “wag na” (hindi niya) kami idamay sa kwento o love story nila. Ang kwento nila ay sa kanila, ang amin ay amin. Kaya ‘wag na kami idamay ng ibang fans or press sa love story ng ibang tao,” paglilinaw ni Manzano.

Dagdag pa niya, mabilis ang pagsasalita niya kaya naging ganun ang tunog.

Kasalukuyang in-a-relationship si Manzano sa kapwa Kapamilya celebrity na si Jessy Mendiola.

Facebook Comments

From Advertisers