Manila, Philippines – Kinasuhan ng paglabag sa karapatang pantao ang 674 na mga pulis.
Batay ito sa rekord ng Human Rights Affairs Office mula July 2016 hanggang May 2018
Sa pahayag ni PNP Chief Police Director General Oscar Albayalde sa bilang na ito 19 ang dismissed na sa serbisyo habang suspensyon at demosyon ang ipinataw sa iba pa.
Dalawang Police Superintendent naman ang pinakamataas na ranggo na nakasuhan dahil sa paglabag sa karapatang pantao.
31 ay may ranggong Police Chief Inspectors.
Pinakamaraming human right abuser na pulis ay naitala sa PRO4A na umabot sa 279, 90 mula sa NCRPO, 39 mula NHQ at 37 mulansa PRO8.
Karamihan sa mga human rights violation cases na kinakaharap ng mga pulis na ito ay homicide, illegal arrest with grave threats, violation of Police Operational Procedure, violation of Anti-Torture Act, maltreatment at abuse of detained person.