LUMABAG? | Alkalde at bise alkalde ng Asingan, Pangasinan, pinasususpinde ng Ombudsman

Pangasinan – Isang taong pinasususpinde ng Office of the Ombudsman ang alkalde at bise alkalde ng Asingan, Pangasinan.

Kaugnay ito ng paglabag nina Asingan Mayor Heidee Chua at Vice Mayor Carlos Lopez Jr. sa code of conduct and ethical standards for public officials.

Kinatigan ng Ombudsman ang reklamong inihain ni Asingan Councilor Evangeline Dorao laban sa dalawang opisyal dahil sa paglalagay ng kanilang pangalan sa mga bagong biling ambulansya na pagmamay-ari ng lokal na pamahalaan.


Bukod sa mga ambulansya, nakalagay din ang pangalan ng dalawang opisyal sa mga bag na ipinamamahagi sa pampublikong eskwelahan sa bayan ng Asingan.

Sa isang interview, sinabi ni Vice Mayor Lopez na handa siyang bumaba sa puwesto oras na maisilbi ang suspension order pero iaapela niya ang desisyong inihatol sa kanila.

Facebook Comments