NBA | Los Angeles Lakers, di umubra sa Cleveland Cavaliers

NBA – Umiskor ng 28 points si Kevin Love habang nag-ambag naman ng triple double si LeBron James para iangat ang Cleveland Cavaliers sa 121-112 na panalo kontra sa Los Angeles Lakers.

Nag-ambag si James ng 25 points, 12 rebounds at 12 assists para maitala ang kaniyang ika-limamput-siyam na career triple double.

Dahil sa panalo umangat sa 21-8 win loss slate ang Cavaliers habang bumagsak naman sa 10-17 ang Lakers na pinangunahan ni Brandon Ingram sa kaniyang 26 points.


Facebook Comments