Manila, Philippines – Malinaw na lumabag sa protocol si ACTS-OFW Representative John Bertiz.
Ito ang sinabi ni Manila International Airport Authority General Manager Ed Monreal matapos tumanggi ang mambabatas na hubarin ang kaniyang sapatos nang dumaan sa security check sa NAIA.
Bagaman may hawak na access pass, iginiit ni Monreal na hindi ito pasaporte para hindi na sumunod sa mga patakaran na panseguridad na pinapatupad sa paliparan.
Aniya, hindi lang sa Pilipinas ipinapatupad ang ganitong mga patakaran kundi maging sa lahat ng paliparan sa buong mundo.
Facebook Comments