DUMEPENSA | COMELEC, umiwas sa isyung pagtatanggal umano kay Bertiz sa partido nito

Manila, Philippines – Dumepensa ang Commission on Election (COMELEC) sa tila taling kamay nila kaugnay ng lumabas na impormasyon na Marso pa ng nang kasalukuyan nang alisin ng kaniyang partido si ACTS-OFW Representative John Bertiz.

Idineklara pa ng kaniyang partido si Bertiz bilang persona non grata.

Ayon kay COMELEC Spokeperson James Jimenez, internal o panloob na problema ito ng partylist group at walang magagawa rito ang komisyon.


Sabi naman ni Jimenez, may ibang paraan para mapatalsik si Bertiz bilang kinatawan ng partido ito ay ang pagdulog sa liderato ng Kamara.

Facebook Comments