LUMABAG | Honorary degree ni Daniel Matsunaga, hindi kinikilala ng CHED

Inihayag ng Commission on Higher Education (CHED) na walang karapatan ang Brethren Evangelical School of Theology (BEST) sa Gapan, Nueva Ecija na gawaran ng honorary doctoral degree ang actor na si Daniel Matsunaga.

Ginawa ni CHED Officer-in-Charge and Spokesperson J. Prospero De Vera III ang pahayag matapos bigyan ng BEST si Matsunaga ng Ph.D. in Humanities, major in Social Work.

Ayon kay De Vera, nilabag ng BEST ang CHED memo #19 na nagtatakda na bawal sa mga public school at colleges na maggawad ng honorary degrees kaninuman.


Sinabi pa ni De Vera na ang mga higher education institutions na may dalawamput limang taon nang nag-o-operate at may mataas na antas ng academic reputation lamang ang binibigyang karapatan ng CHED na magkaloob ng honorary degrees.

Pinag-aaralan pa ng CHED kung ano ang ipapataw na parusa sa Brethren Evangelical School of Theology (BEST) dahil sa paglabag sa guidelines.

Facebook Comments