LUMABAG | Ilang korporasyon sa Boracay at mga lokal na opisyal ng Malay, Aklan – kinasuhan ng NBI sa DOJ

Kinasuhan ng NBI sa DOJ ang ilang korporasyon sa Boracay at mga lokal na opisyal ng Malay, Aklan dahil sa paglabag sa environmental laws

Kabilang sa mga kinasuhan ng NBI ang stockholders at mga may-ari ng Boracay Tanawin Resorts na sina George Wells, Immanuel Sodusta at Kennylyn Gonzaga.

Sinampahan din ng NBI ng kaso incorporators at board of directors ng DENICHI BORACAY CORP na sina Matsuo Denichi,Sheryl Zonio, Immanuel Sodusta, Angeles Sodusta at Socrates Canta.


Kinasuhan din ang Boracay Island West Cove Management Philippines stockholders/owners na sina Crisistomo Aquino, Maria Jovita Aquino,Juan Fidel Aquino,Marlon Aquino,Regine Erica Aquino at Lorna Aquino.

Kasama rin sa respondents ang CORREOS INTERNACIONAL INC stockholders/officers na sina Lim Chee Yong, Maria Christina Romualdez,Gene Arthur Go, George Lin Yuhui, Amelita Morales, Aileen De Mesa at Alex Alamsya.

Inireklamo rin ng NBI ang SEVEN SEAS BORACAY PROPERTIES INC. stockholders/officers na sina Leo Angelo de Jesus, Maria Concepcion Soledad,Gabriel Tabalon, Amelita Poppaw.

Kinasuhan din ng NBI sina Mayor Ceciron Cawaling ng Malay, Aklan ;dating Mayor John Yap,Municipal Engr. Elizer Casidsid, Municipal Zoning Administrator Erlinda Casimero , Provincial Assesor Kokoy Soguilon, Local Assesment Operations Officer 4 Roger Rembulat, Boracay Island Chief Operations Officer Glenn Sacapano, Environmental Management Specialist Tresha Lyn Lozanes at Boracay Foundation Inc. Director Pia Miraflores.

Kasong paglabag sa Revised Forestry Code of the Phils, Anti-Graft and Corrupt Practices Act at paglabag sa Local Govt Code of 1991 ang isinampa laban sa naturang respondents.

Una nang inatasan ni Justice Menardo Guevarra ang NBI na bumuo ng Task Force Boracay na mag-iimbestiga laban sa mga lumabag sa environmental laws na nagdulot ng kontaminasyon sa isla.

Facebook Comments