LUMABAG | Isang kongresista, inireklamo sa COMELEC dahil sa pagi-endorso ng isang kandidato sa brgy. election

Nagtungo sa tanggapan ng Commission on Election ang mga brgy officials mula sa Batangas upang sampahan ng reklamo si House Deputy Speaker Raneo Abu ng 2nd district ng Batangas, dahil sa di umano ay paglabag nito sa election law.

Sa reklamong inihain ng mga brgy. official na pinangunahan nina brgy. Chairman Norberto Abanilla ng brgy. Tayuman Lobo at Nicanor Conti ng brgy. Alalum, San Pascual, Batangas, inirereklamo nila ang liham na ipinadala di umano ni Abu sa mga scholars nito, kung saan inindorso nito ang kaniyang kandidato para sa brgy. elections.

Malinaw anila na paglabag ito sa Sec 38 Article VI ng Omnibus Election Law na dapat ay non partisan ang brgy. eleksyon, kung saan hindi dapat inendorso at hindi dapat pumayag na mag pa endorso sa isang mataas na government official ang sino mang tumatakbong kandidato.


Matatandaang, una na ring nagbabala ang COMELEC at DILG sa mgelection.officials at mga mambabatas, na huwag makialam sa SK at brgy. election

Facebook Comments