LUMABAG | ISIS Commander, pina-deport ng BI

Manila, Philippines – Pina-deport ng Bureau of Immigration ang isang pinaniniwalaang dating commander ng Islamic State for Iraq and Syria (ISIS),

Ito ay matapos ang walong buwang pananatili sa kustodiya ng military ng Egyptian national na si Fehmi Lassoued, 33 taong gulang.

Siya ay pinadeport dahil sa paglabag sa Phil. Immigration Act.


Si Lassoued at ang kanyang Filipino girlfriend ay unang naaresto at nakasuhan noong Pebrero matapos mabawi sa kanila ang baril at mga pampasabog gayundin ang mga mapa para sa kanilang ilulunsad na operasyon.

Gayunman, binasura ng korte ang kaso laban sa kanila dahil sa kakulangan mg ebidensya.

Facebook Comments