LUMABAG | Mahigit 3,000 rice traders, nahuli ng NFA

Nakahuli ang National Food Authority (NFA) ng abot sa 3,828 rice traders na may mga paglabag sa mga alituntunin ng pagbebenta ng bigas kaugnay ng ipinatutupad na price monitoring ngayong third quarter ng 2018.

Ayon kay NFA OIC-Administrator Tomas Escarez, resulta ito ng paginspeksyon ng NFA sa may 95,000 na business establishments mula July hanggang September.

Nakakolekta ang NFA ng abot sa higit P1.5 million na multa mula sa mga traders na may mga paglabag.


Ayon kay Escares, magpapatuloy pa ang all-out war ng ahensiya laban sa mga rice traders na sangkot sa illegal na rebagging at diverting ng NFA rice at sa mga nang-iipit sa rice stocks para maitaas pa ang presyo ng commercial rice sa pamilihan.

Aniya, malaki ang naitulong ng pagpapakalat ng palengke watchers sa National Capital Region (NCR) sa pakikipagtulungan ng NFA sa National Bureau of Investigation (NBI) at iba pang law enforcement agencies sa kanilang enforcement activities.

Facebook Comments