Manila, Philippines – Pinagpapaliwanag ngayong araw ng Philippine Competition Commission (PCC) ang Grab Philippines at Uber Philippines matapos ipatigil ang operasyon ng Uber app.
Ito ay sa kabila ng kautusan na ituloy ang operasyon habang isinasagawa ang pag-aaral sa nangyaring Grab-Uber transaction.
Sa statement, batid ng PCC na maraming kadahilanan para magresulta ang pag-shut down sa Uber app pero hindi ito dapat maging hadlang sa motu proprio review.
Sa ilalim ng interim measures order na inisyu noong April 7, ipinag-uutos ng PCC ang Grab at Uber na manatiling hiwalay ang operasyon.
Dahil dito, nahaharap ang dalawang Transport Network Company (TNC) ng aabot sa dalawang milyong piso kada paglabag sa kautusan.
Facebook Comments