LUMABAG? | Rappler, iimbestigahan ng NBI

Manila, Philippines – Pormal nang nagpalabas ng Department Order si Justice Secretary Vitaliano Aguirre na nag-aatas sa NBI na imbestigahan ang online news site na Rappler.

Partikular na pina-iimbestigahan ni Aguirre sa NBI ang posibleng paglabag sa konstitusyon ng Rappler.

Nais din ni Aguirre na magsagawa ang NBI ng case build up at kapag may nakalap na mga ebidensya ay agad na magsampa ng kaukulang kaso.


Una nang kinansela ng Securities and Exchange Commission (SEC) ang certificate of incorporation ng Rappler.

Bunga ito ng pagtanggap ng Rappler ng pondo mula sa Omidyar Network, isang investment firm na itinayo ng eBay founder na si Pierre Omidyar at may tanggapan sa iba’t ibang mga bansa.

Sa ilalim kasi ng 1987 Constitution, ang mass media ay kinakailangang 100-percent na pagmamay-ari ng mga Pilipino.

Facebook Comments